Ano ang PRANIC HEALING

ANO ANG PRANIC HEALING?

Ang pranic healing ay isang sinaunang agham at sining ng panggagamot.  Ang isang pranic healer ay marunong kumuha ng prana o lakas sa kalikasan at naisasalin ito sa maysakit.  Sa ganitong paraan ang kalusugan ng maysakit ay nanunumbalik.

ANO ANG PRANA?

Ang prana ay ang “vital energy” o lakas ng buhay  (life force) na nagbibigay ng buhay at kalusugan.  Ang salitang prana ay hango sa Sanskrit.  Ang tawag dito ng mga Griyego ay pneuma, mana sa Polynesia, ruah sa Hebreo, chi sa Chinese, ki sa Hapon at likas-lakas sa Filipino.  Ito ang hininga ng buhay (breath of life).  Ang prana ay laganap sa buong daigdig.

Ito ang nagbibigay ng buhay sa tao, halaman, hayop at sa iba pang nilalang ng Diyos.energizing

  1. No comments yet.
  1. January 26, 2018 at 2:23 pm

Leave a Reply

%d